Miyerkules, Hulyo 13, 2011

Why?..

           Mahirap ang umasa, ang masakit ay yung wala ka naman talagang inaasahan in return. It's like hugging a stuffed toy na kahit anong higpit ang yakap mo sa kanya, it will never hug you back. Pero bakit meron pa ring mga taong paasa?. Bakit hindi na lang nila agad sabihin?. At kung itatanong nyo lang din na kung bakit may mga taong umaasa pa rin despite the reality na wala naman talaga silang inaasahan, isa lang ang pwedeng sagot dyan. Nagmamahal sila, at walang naiisip na mali kapag nagmamahal.


        Ako si Michael, 3rd year nursing student. Since first year highschool magkaklase na kame ni Jen , at since first year highschool may gusto na ako sa kanya. Lagi kaming sabay pumasok, kumain sa canteen, at umuwi. Everyday ganito na kame. Kapag weekend ay nagpupunta ako sa bahay nila para magpatulong sa mga assignment, matalino kasi si Jen, pero palusot ko lang yun, ang gusto ko lang talaga kasi ay araw-araw siyang makita. Then one time, habang busy kame sa paggawa ng assignment, tinanong ko siya kung pwede ko ba siyang ligawan, pero hindi siya sumagot, at para hindi gaano maging "awkward" ung pagtatanong ko ay tumawa na lang ako at sinabi sa kanya na nagbibiro lang ako, (pero deep inside nahiya talaga ako nang sobra sa kanya) at napatawa na rin siya. Simula noon ay madalas ko na siyang tinatanong ng ganoong mga bagay, kasi alam ko na iisipin niya lang na nagbibiro lang ako, which is masakit sa akin, (at kasalanan ko din naman). Nagdaan ang mga taon, pero hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo ko sa kanya, at ganun din siya sa akin. Madalas ko ngang isipin kung paano ko gagawin na magmukang seryoso ang dating ng pagtatanong ko sa kanya. Kaya ito ako ngayon, umaasa pa rin ako na sana isang araw paggising ko kame na.


         Kung pwede ko lang sana maibalik ang panahon na iyon, at maitama ko ang nagawa ko.






                                                                                           -MiPa`






-Acelyn Villanueva..
-Mary Ruth Miras..



1 komento:

  1. This is the 1st part of their story..

    The 2nd part will be posted soon...

    happy reading guys..

    TumugonBurahin